Manila, Philippines – Mag-aangkat ang Pilipinas ng 200,000 metric tons ng asukal.
Ito ang magiging unang beses sa loob ng higit dalawang taon kung saan ang mga local trader at miller ay pinapayagang mag-angkat ng asukal mula sa ibang bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, inaprubahan ng Sugar Regulatory Board (SRA) ang sugar importation.
Base sa inilabas na kautusan ng SRA, pinapahintulutan ang pag-angkat ng 100,000 metric tons ng bottlers’ grade refined sugar, 50,000 metric tons sa standard grade refined sugar at dagdag na 50,000 metric tons ng raw sugar.
Ani Piñol, tatanggap ang sra ng applications to import simula June 18 hanggang August 31.
Pero nilinaw ng SRA na sapat pa rin ang supply ng asukal sa bansa.
Facebook Comments