Manila, Philippines – Inaasahang darating na ngayong araw ang inangkat na 15,000 bags o 750 metric tons na asukal mula Thailand at Vietnam.
Iba pa ito sa parating ring 25,000 bag o 1,250 metric tons ng asukal sa July 18.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, umaasa silang bababa na ang presyo ng asukal sa mga pamilihan oras na dumating na ang mga inangkat na sugar.
Kasabay nito, nagbabala si Piñol sa mga nais manamantala sa sitwasyon.
Una nang iginiit ng sugar regulatory administration na tumaas ang presyo ng asukal dahil sa mga negosyanteng sinasakyan ang paniwalang may paghihigpit sa supply nito.
Facebook Comments