Dagdag sweldo sa mga healthcare workers, inihihirit ng medical community sa papasok na Marcos administration

Umaasa si former Philippine Medical Association President Dr. Benito Atienza na matataasan ang sweldo ng mga doktor at mga nurse sa ilalim ng Marcos administration.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Atienza na malaking bagay kapag tinaasan ang sweldo at mga benepisyo ng medical community upang hindi na sila mangibang bansa at magtrabaho abroad.

Paliwanag nito, nahirapan at nagsakripisyo ng husto ang mga healthcare workers nitong kasagsagan ng COVID-19 pandemic kung kaya’t marapat lamang na suklian ang kanilang dedikasyon.


Binigyang diin ni pa Atienza ang kahalagahan ng papel ng medical frontliners para sa mas epektibong pagpapatupad ng Universal Healthcare Law.

Aniya, kung kulang ang manpower sa medical communities tulad ng mga doktor, nurse at iba pang healthcare workers, walang gagamot at mag-aasikaso sa mga may sakit at mga pasyente sa ospital.

Facebook Comments