Manila, Philippines – Good news, asahan na daw ang dagdag na sahod para sa mga empleyado ng gobyerno sa darating na taong 2020 hanggang 2022.
Ayon kay Budget Secretary Benjamin Diokno, pinag-aaralan na daw nila ang nasabing dagdag sahod pero hindi pa nila alam kung magkano ito.
Dagdag pa ni Diokno, kukuha daw sila ng third party para pag-aralan ang wage structure kung saan kasama din dito ang military personnel.
Ipinagkukumpara din daw nila ngayon sa pribadong sector ang salary structure ng bawat empleyado ng gobyerno at kanilang bubusisiin kung magkano ang ibibigay na karadagdagang sweldo.
Ang nasabing plano na pagbibigay dagdag sahod ay nakadepende pa din daw sa Executive Order (EO) o kaya ay may magpasa ng panukala nito sa Kongreso.
Facebook Comments