Dagdag sweldo sa mga pulis, inaasahan mababanggit sa SONA ng pangulo

Manila, Phlippines – Umaasa rin ang hanay ng Philippine National Police na mababanggit ng pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalawang state of the nation address o SONA ang pangakong taas sweldo sa mga pulis.

Sa ngayon ayon kay PNP Spokesperson Police chief supt Dionardo Carlos mananatili ang kanilang focus sa pagtupad ng kanilang tungkuling protektahan ang publiko at mapanatili ang kapayapaan.

Kung tutuparin o mangyayari aniya ang dagdag pang sweldo sa mga pulis ipagpapasalamat aniya nila ito sa pangulo.


Una rito sinabi rin ni AFP Public Affairs Office Chief Marine Col. Edgard Arevalo na umaasa silang mababangit at tutuparin ng pangulo ang pangakong dodoblehin ang sahod ng mga sundalo sa susunod na taon.

Facebook Comments