Manila, Philippines – Tiniyak ni Committee on Health Chairman Senator Christopher Bong Go na gagawan nila ng paraan dito sa Senado ang pagbibigay ng dagdag na sweldo sa mga nurse na nagtatrabaho sa mga ospital at health facilities ng gobyerno.
Pangako ni Go, hahanapan nila ito ng pondo para maipasok sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.
Plano pa ni Go na kausapin si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil dito.
Una rito, ay iniutos ng Supreme Court (SC) na itaas sa salary grade 15, ang entry level salary ng government nurses, katumbas ito ng higit 30,000 pesos kada buwan.
Sa ngayon, nasa salary grade 10 lamang o 16,000 pesos ang buwanagn sweldo ng government nurses.
Facebook Comments