Manila, Philippines – Ibinunyag ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nagbanta noon si Pangulong Rodrigo Duterte na aalis sa kanyang pwesto kung hindi tataas ang sweldo ng mga pulis at sundalo ngayong 2018.
Ang pahayag ay ginawa ni Dela Rosa sa kanyang talumpati sa ginawang mass oath-taking ng 753 pulis na binigyan ng special promotion matapos ang matagumpay na pakikipaglaban sa Maute ISIS group at pagdepensa ng kanilang police station laban sa 200 miyembro ng NPA.
Ayon kay Dela Rosa matapos ang naging pahayag na ito noon ng pangulo ay nagkukumahog ang Gabinete at Kongreso para maipasa ang pagtataas ng sweldo ng mga pulis at sundalo.
Dahil dito nagpapasalamat si PNP Chief Dela Rosa sa Pangulo dahil naisakatuparan ngayong taon ang kanilang taas-sweldo.
Matatandaang pinirmahan ni Pangulong Duterte ang Joint Resolution No. 1 na nagpapahintot sa pagtataas base pay ng military at uniformed personnel epektibo January 1 2018.
Ipinasa ito ng senado at kongreso nitong nakalipas ng buwan ng Disyembre 2017.