DAGDAG TELCO | DICT, hindi isinasantabi ang posibilidad na magkaroon pa ng dagdag na telco

Manila, Philippines – Hindi isinasantabi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang posibilidad na magkaroon pa ng isa pang major telco para makipagkompitensya sa PLDT at Globe Telecom.

Ayon kay DICT Undersecretary Monchito Ibrahim, maari pa ring magkaroon ng bidding para sa ika-apat na telco.

Pero ang naglilimita lamang aniya ay ang frequency na maaring ibigay o available.


Inaasahang maraming frequency ang maibabalik sa DICT dahil sa patuloy na acquisition ng mga unused at underused frequencies ng mga maliliit na telco player.

Dagdag ni Ibrahim – kapag maraming frequencies, maaring magkaroon ng ika-apat o ikalima pang telco player.

Ang National Telecommunications Commission (NTC) ay naglaan ng radio frequency bands na 700 megahertz (MHz), 2100 MHz, 2000 MHz, 2.5 gigahertz (GHz), 3.3 GHz at 3.5 GHz para sa bagong major telco player.

Facebook Comments