Dagdag toll sa NLEX, kinuwestyon ng grupong Bayan Muna

Manila, Philippines – Kinuwestyon ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate ang ipinatupad na toll hike ng North Luzon Expressway at Star Toll Way.

Sa resolusyong isinumite niya sa kamara, sinabi niyang nabigo raw NLEX at Startoll na protektahan ang interes ng taumbayan.

Umaray ang mga motorista at provincial bus operators sa naturang toll hike.


Naniningil na kasi ang operator ng NLEX dahil tapos na nila ang 2.9 billion pesos project kung saan dinagdagan ang mga lane sa ilang bahagi ng NLEX.

Facebook Comments