Manila, Philippines – Pinatitiyak ni Senador Sonny Angara sa gobyerno na
mabibigyan ng allowance ang mga mahihirap na estudyante sa ilalim ng free
higher education law.
Ayon kay Angara – bukod sa libreng matrikula at miscellaneous fees, dagdag
tulong din ito para sa kanilang gastusin sa mga libro, pamasahe, dormitoryo
at iba pa.
Pinuri rin ng senador ang Unified Student Financial Assistance System for
Tertiary Education (UNIFAST) board para sa pagbuo ng implementing rules and
regulations ng nasabing batas.
Paniniguro pa ni Angara, ma-eenjoy na ng mga estudyante ang mga benepisyo
ng free college law simula sa susunod na taon.
Sa ilalim ng batas, naglaan ng 40 billion piso para sagutin ang tuition,
miscellaneous at iba pang school fees ng mga mag-aaral na naka-enroll sa
112 pampublikong kolehiyo at unibersidad, 78 lokal na kolehiyo at
unibersidad at technical-vocation education and training programs sa ilalim
ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>