DAGDAGAN ANG SAHOD │Pangulong Duterte, paasa at puro boladas lang

Manila, Philippines – Nagbanta si Alliance of Concerned Teachers Chairman Benjamin Valbuena na simula pa lamang kahapon ang kanilang gagawing sunod sunod na malawakang kilos protesta kapag hindi pa rin matitinag si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang kahilingang dagdag sahod sa mga guro sa bansa.

Ayon kay Valbuena paasa at puro lamang boladas umano si Pangulong Duterte kaya nila ibinoto noong nakaraang election dahil nangako ito sa mga guro na dadagdagan mg 10 libong piso ang sahod ng mga guro.

Tinawag pa umano ng pangulo na mga bayani ang mga guro pero taliwas sa tunay na nangyayari sa kanilang buhay dahil walang pahalaga sa kanilang propesyun mula sa Duterte Administration.


Dismayado si Valbuena dahil inaakala umano nila na giginhawa sila sa pamumuno ni pangulong Duterte pero mas malala pa umano sa Aquino Administration ang kanilang nararanasan sa kasalukuyang Administrasyon dahil sa halip na pagtuunan ng pansin ang mga kakulangan ng silid aralan, aklat at iba pa mayroon pang pondo noong 2015 na 16 na bilyong piso at 21.5 bilyong piso naman ang naibalik sa National Treasury dahil under spending o hindi nagamit na pondo.

Facebook Comments