MANILA – Habang nadadagdagan ang mga lugar na sinasailalim sa state of calamity dahil sa El Niño – isinulong ngayon ni Senatorial Candidate Francis Tolentino na dapat dagdagan ang tulong para sa mga magsasakang apektado ng tagtuyot.Sa datos ng Department of Agriculture, mahigit 4-bilyong piso na ang pinsala mula sa El Niño habang nasa 120,000 na ang mga apektadong magsasaka.Ayon kay Tolentino – dahil sa malaking kawalan sa pangkabuhayan ng mga magsasaka – apektado na ang pangtustos nila sa kanilang pamilya.Kaya sabi ni dating MMDA Chairman Tolentino, na bigyan ng libreng scholarship ang mga anak ng magsasakang naging biktima ng El Niño para makabawas sa gastusin at mas matutukan ang pagpapasiglang muli sa kanilang mga sakahan.
Facebook Comments