Manila, Philippines – Ipinatataas ng mga transport group sa P12 ang minimum fare sa mga pampasaherong jeep matapos aprubahan ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN.
Ayon kay Pasang Masa President Obet Martin, mula sa P2 hirit nila sa petisyong kasalukuyang nakahain sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay posibleng taasan nila ng P4 ang dagdag pasahe sa base fare.
Aniya, ito ay dahil sa inaasahang pagmamahal ng presyo ng spare parts at nakaambang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Paliwanag naman ni House Ways and Means Committee Chairperson Dakila Cua, kasali rin sa batas ang “mitigating measures” o programa para sa mga mahihirap na sapul sa pagtaas ng presyo.
Kabilang dito ang mga diskuwento para sa minimum wage earners at fuel subsidy ng mga tsuper.