Manila, Philippines – Kailangan dagdagan ang pagpapatupad ng batas hinggil sa pagkakalusot sa kamara ng panukalang parusa sa mga nambabato ng sasakyan.
Sa interview ng RMN DZXL Manila sa tagapagsalita ng Toll Regulatory Board (TRB) at Secretary General ng Philippine Global Road Safety Partnership Albert Suansing, sinabi niyang kadalasang nasasangkot sa ganitong insidente ay mga bata.
Ayon kay Suansing, kung hindi mapaparusahan ang mga menor de edad dahil sa Juvenile Justice Welfare Act ang magulang ang siyang dapat na managot.
Anya, ang pambabato sa mga sasakyan ay mas makakalikha ng malagim na sakuna.
Base sa kanilang datos, sa tatlong kaso ng pambabato ay isa na ang namamatay ngayong taon.
Sa House Bill 7163, maaring makulong ng 25-taon ang suspek at multang P100,000 kapag may namatay sa insidente.