Manila, Philippines – Pinaaaprubahan na agad sa komite ni Population and Family Relations Chairman Sol Aragones ang substitute bill ng Universal Social Pension Bill.
Sa ilalim ng panukala ay itataas na sa P1,000 ang kasalukuyang P500 social pension para sa mga senior citizens.
Sa ilalim din ng panukala, hindi na limitado sa mga indigent senior citizens ang pensyon kundi basta`t tumuntong na sa edad ng senior citizen ay otomatikong makakatanggap ng social pension.
Layunin ng panukala na matulungan ang mga lolo at lola sa kanilang mga personal na pangangailangan lalo na sa pagpapagamot ng kanilang karamdaman.
Giit ni Aragones, long overdue na ang nasabing panukala kaya dapat na itong aprubahan sa lalong madaling panahon dahil tumataas na rin ang populasyon ng mga matatanda sa bansa.