DAGSA | Mga magulang ng naturukan ng Dengvaxia, sumugod sa PAO

Manila, Philippines – Dinagsa ang tanggapan ng Public Attorney’s Office ng mga magulang ng mga batang naturukan ng Dengvaxia.

Karamihan sa mga magulang ay bitbit ang kanilang mga anak ay nagpapakita na ng pagkakasakit.

Napapaiyak na ang 65-anyos na lola na si Anna Dapola na galing pa ng Padre Burgos sa Quezon Province.


Dalawang araw nang dumadaing ng labis na pananakit ng tiyan ang 11 anyos na apo na si John Carlo.

Ang 13 anyos na si Michaela Priagola na taga Muntinlupa ay na nagpakita ng sintomas ng pagsusuka.

Susugod naman mamaya ang Volunteers Against Crime and Corruption sa Kamara para igiit ang agarang medikal na interbensyon sa mga naturukan ng Dengvaxia.
Bagamat suportado ng VACC ang pagpapanagot sa mga nasa likod ng Dengvaxia, priyoridad nila na mapagkalooban ng tulong na medikal ang mga nagkakasakit na mga bata.

Facebook Comments