ARCHIVED CONTENT: This is a static preservation copy of an historical RMN Networks article. Live interactive widgets have been optimized for high-speed offline storage.

DAGSA NG BIYAHERO | Seguridad sa mga pampublikong transportation sa bansa ngayong Christmas season, paiigtingin

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ni Transportation Sec. Arthur Tugade para sa pagpapaigting ng seguridad sa mga pampublikong transportasyon sa bansa.

Ito’y kaugnay ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Christmas season.

Paalala ni Tugade sa mga opisyal ng transportation sector magpatupad ng security measure sa mga paliparan, daungan at kalsada para sa kaligtasan ng mga pasahero.

Kasama rin aniya rito ang maayos na pasilidad para sa kanilang ikagiginhawa.

Hiniling din ng kalihim ang kooperasyon ng publiko.

Facebook Comments