Inaasahan na ng dagupan terminal bus na dadami pa ang pasahero na magsisi uwian sa kani kanilang probinsya umpisa kahaponDags upang magnilay-nilay sa nalalapit sa semana santa ayon sa Dispatcher Office ang simula ng biyahe ay 7:00 a.m to 11 p.m ng hating gabi at ang susunod na biyahe 12:30-1:00 a.m ayon pa sa driver ng bus 5 hours to 6 hours ang biyahe pa Manila at may 2 bus stop sa Dau, Tarlac, at Via tplex. Depende ito sa dadaanan ng bus.
Ang pagalis ng mga bus pag ordinary 10-15 minutes, kapag aircon naman umaabot ng 20-30 minutes itong nag-aantay bago umalis at madaming bus ang dumadating per hour. Ayon sa konduktor ng bus, umaabot sa 10K to 15K ang pasaherong dumarating sa boong araw sa iba’t ibang bus dahil sa semana santa, pero ang regular na pasahero ay umaabot lang ng 5K to 8K at ang biyahe mula Manila, Clark, Sta. Cruz, Alaminos, Bolinaoat Baguio. At ayon pa sa Dispatcher Office dadagdagan nila ang siguridad ng mga terminal bus at makikipag ugnayan sa pulisya.
Payo ng ilan sa mga pasahero na luluwas mas magandang maagang umuwi sa kanya-kanyang probinsya kung wala ng gagawin sa lungsod para hindi maabutan ng siksikan sa mga terminal bus at siguraduhing magdala ng sapat na tubig, pagkain at mahabang pasenya sa init ng panahon.
Ulat mula kay Christine May De Guzman