Dagsa ng mga pasahero ngayong panahon ng Pasko, napaghandaan ng DOTr

Siniguro ng Department of Transportation (DOTr) ang mga hakbang para sa inaasahang dagsa ng pasahero ngayong panahon ng Pasko.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni DOTr Usec. Timothy Bathan na may mga enforcers on the road para tulungan ang mga masisiraang sasakyan sa kalsada.

Layon aniya nito ay para maisaayos agad at hindi na makadagdag pa sa masikip na daloy ng trapiko.


Sa mga bus naman lalo na sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX at iba pang terminal, may performance indicators aniya silang sinusunod upang kahit na dumagsa ang pasahero mapananatili pa ring ligtas at convenient ang biyahe.

Wala naman nakikitang problema sa sektor ng riles tulad ng PNR, MRT, at LRT ngayong panahon ng Pasko.

Tuloy tuloy naman aniya ang pag-monitor sa operating lines, upang masiguro ang sapat na bilang ng tumatakbong tren at maayos ang kondisyon ng linya.

Facebook Comments