Inaasahang magsisimula na ngayong araw ang dagsa ng mga pasaherong pabalik ng Metro Manila matapos ang paggunita sa Undas ngayong weekend.
Sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX), mula pa noong October 25 nagsimulang bumuhos ang mga uuwi ng kani-kanilang mga probinsya at ngayon inaasahang dadagsa ang mga ito paluwas.
Ayon kay PITX Corporate Affairs Officer Kolyn Calbasa, ngayong umaga ay may naitala nang 8,025 na mga pasahero sa terminal.
Mamayang hapon o gabi inaasahang darami lalo ang mga pasahero lalo na’t may pasok na ulit bukas.
Noong October 30 na bisperas ng Undas, nasa 190,000 ang mga dumagsa at humabol na makauwi habang mahigit 132,000 naman noong November 1.
Sa ngayon ay pumalo na sa halos 1-M ang mga pasaherong dumagsa sa terminal mula October 28 hanggang kahapon, November 2 na nasa 944,503.
Nasa mahigit 2.4-M na biyahero ang estimated na foot traffic o mga gagamit ng naturang terminal mula October 21 hanggang sa darating na November 5.