Unti-unti nang nababawasan ang bilang ng mga pasahero sa mga terminal sa Dagupan City, kahapon, Enero 2, matapos ang pagdiriwang ng Bagong Taon.
Ayon sa mga dispatcher, mas kaunti na ang bumibiyahe ngayon kumpara sa mga nagdaang araw ng bakasyon.
Gayunman, inaasahang dadami muli ang mga pasahero na babiyahe pauwi pagsapit ng hapon o sa mga susunod na araw.
Dahil dito, nagbigay ng abiso para sa mga biyahero ang mga bus terminals sa lungsod na magplano ng maaga at dumating nang mas maaga sa terminal upang maiwasan ang abala.
Samantala, karamihan sa mga kasalukuyang pasahero ay patungong Maynila, habang iilan pa sa ngayon ang bumibiyahe papuntang Tarlac. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









