Dagsa ng pasahero sa PITX, aasahang aabot sa 1.2 milyon

Nasa 1.2 milyong pasahero ang inaasahang dadagsa sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa panahon ng Semana Santa.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Jason Salvador, head ng Corporate Affairs and Government Relations ng PITX, ito ay dahil sa mahabang bakasyon sa Semana Santa.

Dadagsa aniya ang mga pasahero sa katapusan ng Marso at tatagal ng hanggang sa pagtatapos ng Easter Sunday.


Sigurado aniyang sasamantalahin ng publiko ang Semana Santa upang magnilay, magbakasyon, at magpahinga sa iba’t ibang probinsya.

Sa ngayon, unti-unti na aniyang napupuno ang booking sa mga cashier lalo na ang mga bumibiyahe patungo sa Bicol Region.

Siniguro naman ni Salvador na handa ang PITX sa pagdagsa ng mga pasahero.

Katunayan, nakipag-ugnayan na ang kanilang hanay sa Department of Transportation, Land Transportation Office, Land Transportation Franchising and Regulatory Board, Metro Manila Development Authority pati na ang Philippine National Police.

Facebook Comments