Dagsa ng tao sa Araneta bus terminal, minimal pa pero inaasahan na sa weekends

Minimal pa ang mga pasahero sa Araneta Bus terminal na pauwi sa mga lalawigan bago ang Undas sa Nobyembre 1.

Pero marami na ang nag ‘advance booking’ kaya asahan na sa weekend hanggang sa susunod na linggo makikita na ang dagsa ng mga tao sa dalawang terminal sa Araneta sa Cubao, Quezon City.

Lalo pa’t nagsimula na rin ang  semestral break  ng mga estudyante.


Kumpara sa mga regular na araw, dumadami na ang bilang ng mga pasahero  na umuuwi ng probinsiya.

Ayon kay Isabelo Casticio, Security officer ng bus terminal, simula bukas magdadagdag na rin sila ng security personnel para mangalaga sa bisinidad.

May 17 bus companies sa Araneta terminal ang nag-ooperate bilang mga ordinary bus at 27 naman ang airconed bus companies sa Bus Port Terminal.

Dagdag pa ng Security officer, asahan na raw ang mas mahigpit na seguridad ang ipapatupad simula sa Lunes sa Araneta Center.

Facebook Comments