DAGSA NG TAO SA TONDALIGAN BEACH SA DAGUPAN CITY, MULING NANUMBALIK PAGKATAPOS NG IPINATUPAD NA NO SWIMMING POLICY BUNSOD NG NAGDAANG BAGYO

Nakitaan na muli ng pagdagsa ng mga turista at bisita ang Bonuan Tondaligan Beach sa Dagupan City pagkatapos ang pagpapatupad ng No Swimming Policy at ilang araw na naranasang masamang panahon dulot ng nagdaang bagyo at Habagat.
Matatandaan na ilang mangingisda na rin ang tuloy na sa pagpapalaot bilang ilang araw ding tumigil ang mga ito dahil pa rin sa mga naranasang epekto ng kalamidad.
Maging ang mga local vendors, mga food stalls at shed owners ay balik na sa operasyon ng kani-kanilang negosyo.

Inaasahan naman ng mga ito ang tuloy tuloy na pagkakaroon ng magandang panahon pagkatapos manalasa sa lungsod ang nagdaang bagyo.
Samantala, wala rin umano naitala ang tanggapan ng mga mayoryang pagkasira dulot ng bagyo sa pamosong pasyalan. |ifmnews
Facebook Comments