Dagsa ng tao sa Tugatog Cemetery, bahagyang kumonti kaysa kahapon na naitala

As of 11:30 pm nasa mahigit 500 na katao ang naitalang dumalaw ngayong huling araw ng pagbisita ng mga tao sa kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay dito sa Tugatog Cemetery.

Samatala sa tala kahapon, nasa mahigit 7 libo ang dumalaw sa Tugatog Cemetery sa Malabon City.

Pero inaasahan na madadagdagan pa ito mamayang hapon at sa gabi.

Sa labas ng sementeryo ay may mga tents nagpapamahagi ng libreng tubig at kandila mula sa pamahalaang lungsod ng Malabon.

Wala namang naitalang mga insidente simula kahapon sa nasabing sementeryo pero may mga nakumpiskang ilang mga pinagbabawal na kagamitan kagaya ng alcohol, sigarilyo at basyo ng bote ng alak.

Kaugnay nito, ang Tugatog Cemetery ay bukas hanggang mamayang alas 10 na lamang mamayang gabi.

Facebook Comments