Sumailalim sa Project B.E.L.E.N (Barangay Education on Law Enforcement Network) training ang mga barangay opisyal, kawani at tanod ng Dagupan bilang bahagi ng pagpapalakas sa kanilang kaalaman sa batas at tamang pagtugon bilang mga unang emergency responders.
Pinangunahan ang aktibidad ng Dagupan City Police Station sa pamumuno ni Police Chief Lawrence Keith Calub, katuwang ang iba’t ibang ahensya tulad ng Bureau of Fire Protection, CDRRMO, at Pangasinan Provincial Cybercrime Response Team.
Layunin ng programa na mapagtibay ang ugnayan ng komunidad, kapulisan at iba pang sektor upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa lungsod.
Isinabay din dito ang 3rd Quarterly Meeting ng City Peace and Order Council (CPOC) at City Anti-Drug Abuse Council (CADAC) kung saan tinalakay ang mga accomplishment report ng iba’t ibang tanggapan.
Ayon sa mga opisyal, mahalaga ang patuloy na pagtutulungan ng pamahalaan at mga barangay workers upang masiguro ang kaligtasan ng bawat Dagupeño.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









