DAGUPAN CDRRMO, NAKAANTABAY SA BAGYO; NO SWIMMING, FISHING AT SURFING, IPINATUPAD NA

Nakaantabay ang opisina ng Dagupan City Disaster Risk Reduction and Management sa epektong dulot ng Bagyong Paolo sa mga hazard prone areas sa lungsod.

Sa panayam kay CDRRMO Chief Ronald De Guzman, pinaigting ang koordinasyon ng iba’t-ibang ahensya upang maisagawa ang emergency response plan sa mga Dagupeños kasabay ng relief operation at assistance para sa mga apektado ng mga naunang bagyo at habagat.

Muling maghihigpit ang tanggapan sa pagpapatupad ng No Fishing, No Swimming, No Surfing Policy sa mga katubigan.

Batay sa abiso, ang hakbang ay ipinatutupad dahil sa malalakas na alon at mapanganib na kondisyon ng dagat na dulot ng Bagyong Paolo upang maiwasan ang aksidente

Nakaalerto rin ang mga awtoridad upang bantayan ang mga coastal area.

Hinihiling ng lokal na pamahalaan ang kooperasyon ng publiko hanggang sa tuluyang bumuti ang lagay ng panahon at maging ligtas na muli ang karagatan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments