DAGUPAN CHO, NAKAPAG TALA NA NG DALAWANG NAMATAY DAHIL SAKIT NA LEPTOSPIROSIS NITONG BUWAN NG HULYO

Muling nagpaalala ang City Health Office (CHO) ng Dagupan sa sakit na leptospirosis na maaaring makuha sa paglusong sa baha.
Ito ay dahil lubog pa rin sa baha ang 31 barangay sa lungsod na dulot pa rin ng Bagyong Egay, habagat na sinabayan naman ng pagtaas ng lebel ng tubig o high tide.
Ayon kay Dr. Ophelia Rivera, City Health Officer ng Dagupan, nitong buwan ng Hulyo ay nakapagtala ang Dagupan ng tatlong kaso ng leptospirosis kung saan dalawa sa mga ito ang kumpirmadong namatay habang ang isa ay nakarekober sa naturang sakit.

Ani Rivera, mas mataas ang kaso ng leptospirosis na naitala ng Dagupan City ngayong taon kumpara sa isa lamang noong nakaraang taon.
Hinikayat naman ang publiko na magdoble ingat upang maiwasan ang sakit na leptospirosis dahil hindi umano 100% na epektibo ang pag-inom ng doxycycline upang maiwasan ang naturang sakit.
Aniya, agad na komunsulta sa doktor na siyang nagrereseta ng gamot para makaiwas sa naturang sakit. |ifmnews
Facebook Comments