DAGUPAN CITY AT MANGALDAN, NAKIISA SA NATIONAL SUICIDE AND PREVENTION MONTH

Nakiisa ang lungsod ng Dagupan at ang Munisipalidad ng Mangaldan sa paggunita ng National Suicide Awareness and Prevention Month ngayong Setyembre.

Sa Mangaldan, patuloy ang pagbibigay ng libreng mental health counseling sa tulong ni Dr. Jennifer P. Espino, sa pangunguna ng alkalde ng Mangaldan. Para sa appointment, tumawag lamang umano sa mga numerong (075) 540-3839 / 0920-982-8115.

Samantala, inilunsad naman ng Dagupan ang kampanyang “May Kaibigan Ka, Sureness” upang ipaalala sa mga mamamayan na hindi sila nag-iisa, at may mga handang makinig at tumulong. Bukas ang Hopeline No.: 0969-045-1111 para sa mga nais humingi ng tulong o kausap.

Ayon sa DOH, ang suicide ay isang seryosong isyu sa kalusugan na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng maagang suporta at bukas na pag-uusap. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments