
Pinaigting ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan at ng Philippine Red Cross ang kanilang koordinasyon upang matiyak ang sapat, ligtas, at tuloy-tuloy na suplay ng dugo para sa mga pasyente sa lungsod, lalo na sa mga nangangailangang indigent.
Ito ay kasunod ng paglagda sa isang Memorandum of Agreement para sa pagpapatupad ng Good Samaritan Project na naglalayong palakasin ang sistema ng blood collection, storage, at distribution sa Dagupan City.
Ayon sa lungsod, sa ilalim ng kasunduan ay palalawakin ang ugnayan sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Red Cross upang mas mapabilis ang pagtugon sa mga pangangailangan sa dugo ng mga ospital at pasyente, partikular sa mga emergency at life-saving procedures.
Kaugnay nito, binigyang-diin na mahalaga ang maayos na koordinasyon at sapat na blood supply upang maiwasan ang kakulangan ng dugo at masiguro ang agarang serbisyong medikal sa mga nangangailangan.
Inaasahan na sa pamamagitan ng kasunduan ay magiging mas organisado at episyente ang pamamahala sa blood services sa lungsod bilang bahagi ng pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan. 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










