Ito ay kasunod ng kautusang nilagdaan noong Marso 23, 2026 bilang tugon sa tumataas na presyo ng langis, kuryente, at iba pang pangunahing bilihin.
Saklaw ng kautusan ang lahat ng tanggapan ng lungsod, kabilang ang mga barangay at government-owned and controlled corporations.
Sa ilalim nito, inatasan ang mga opisina na magtipid sa kuryente sa pamamagitan ng pagpatay ng ilaw at kagamitan kapag hindi ginagamit, paggamit ng natural na liwanag, at limitadong paggamit ng aircon.
Mahigpit din ang regulasyon sa paggamit ng government vehicles at pagbiyahe na papayagan lamang kung kinakailangan.
Pinababawasan o ipinagpapaliban ang mga aktibidad tulad ng pista at mga night event na may mataas na konsumo ng kuryente, habang hinihikayat ang pagtitipid sa tubig at agarang pag-aayos ng mga tagas sa mga pasilidad.
Kasama rin sa mga hakbang ang pagbawas sa hindi prayoridad na gastusin, paggamit ng paperless transactions, at pagsasagawa ng mga pulong sa pamamagitan ng virtual platforms kung maaari.
Ang binuong task force ang magsisilbing tagapag-monitor ng pagsunod sa kautusan, magsasagawa ng inspeksyon, at magrerekomenda ng karagdagang hakbang.
Hinihikayat din ang pribadong sektor na makiisa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng energy-efficient practices.
Agad na epektibo ang kautusan at mananatili hanggang sa ito ay amyendahan o bawiin ng pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










