Isa sa tinututukan sa lungsod ng Dagupan ang pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Dagupeños.
Alinsunod dito, nakatakdang ilunsad ang Dagupan City Diabetes Summit sa darating na September 10, 2025 hatid ang iba’t-ibang mga serbisyo.
Kabilang dito ang lecture ukol sa sakit, checking ng blood pressure, cholesterol, triglyceride, uric acid, micral test, ECG, weight and height assessment, mayroon ding Visual acuity, ABI Foot Screening at Bone screening.
Isinusulong ng naturang programa ang balanseng nutrisyon, pag-eehersisyo, pagkakaroon ng mga epektibong gamot at nararapat na pagpapasuri sa kalusugan.
Inaanyayahan naman ang lahat ng Dagupeños na makiisa, at maging benepisyaryo ng libreng mga serbisyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









