
Matapos ang matagumpay na paglilinis sa Phase One ng dating tambakan ng basura, sinimulan na ang paglalagay ng perimeter fence bilang bahagi ng tuluyang pagsasara sa mahigit animnapung (60) taong pagtatapon ng basura sa bahagi ng Tondaligan Beach.
Layunin ng hakbang na ito na matiyak na hindi na muling magagamit ang lugar bilang dumpsite at maihanda ito para sa mga susunod pang pagpapaunlad. Ang paglalagay ng bakod ay simbolo ng bagong yugto para sa lugar—mula sa pagiging tambakan ng basura tungo sa isang ligtas at maayos na espasyong maaaring mapakinabangan ng publiko.
Kasalukuyang isinasagawa ang iba pang kaugnay na pagpapabuti upang maisakatuparan ang planong gawing mas kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang naturang lugar. Sa patuloy na rehabilitasyon, unti-unting nabibigyang-buhay ang pangarap na maging isang maayos na destinasyon ang dating dumpsite—isang tunay na “fun site” para sa komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










