Wala pang isang linggo ng taong 2023 ay nakapagtala na ng pitong kaso ng dog bite ang Dagupan City Health Office.
Base sa pinakahuling naitala ng CHO ay ang walong taong gulang na bata sa Brgy. Pugaro sa lungsod ang pinagkakagat ng aso habang nasa labas lamang ng kanilang bahay.
Nagtamo ito ng maraming kagat ng aso sa kamay, hita at paa na agad namang nilapatan at tinurukan ng anti-rabies sa Animal Bite Center ng Lungsod.
Kahit na naturukan na umano ang biktima ay kailangan pa ring imonitor ang kalagayan ng bata.
Samantala, sa isang panayam sinabi ni DOH OIC Secretary na si Dr. Maria Rosario Singh-Vergeire ay wala naman umanong kinalaman ang season sa pagpasok ng taon ngunit aniya nagkataon lang umano na naingayan ang mga hayop dahil sa mga paputok kaya naging progresibo ang mga ito.
Paalala naman ng CHO, sakaling may nakagat na miyembro ng pamilya ay agad ng dalhin sa pinakamalapit na pagamutan upang hindi na kumalat ang venom o lason sa katawan ng nakagat na biktima. |ifmnews
Facebook Comments