DAGUPAN CITY, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY DAHIL SA MATINDING PINSALA NG SUPER TYPHOON UWAN

Idineklara kahapon, Nobyembre 10, 2025, ang State of Calamity sa buong Lungsod ng Dagupan matapos ang matinding pinsalang idinulot ni Super Typhoon Uwan at ang patuloy na banta nito sa kaligtasan ng mga residente.

Ayon sa pamahalaang lungsod, prayoridad sa kasalukuyan ang kaligtasan ng bawat pamilya, agarang rescue operations, at mabilis na pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhang barangay.

Katuwang ng mga lokal na tanggapan ang mga volunteer groups at national agencies upang mapabilis ang pagtugon at pagsasaayos ng mga pangunahing serbisyo gaya ng kuryente, tubig, at komunikasyon.

Patuloy din ang koordinasyon ng mga awtoridad para sa pagpapanumbalik ng kaayusan at pagbangon ng mga komunidad matapos ang matinding pagbaha at pinsala sa kabuhayan.

Sa gitna ng krisis, ipinapakita ng mga Dagupeño ang katatagan, malasakit, at pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang mga hamon at muling makabangon ang lungsod mula sa epekto ng bagyo.

Facebook Comments