DAGUPAN CITY JAIL FEMALE DORMITORY, ITINALAGANG DRUG-FREE WORKPLACE NG PDEA PANGASINAN

Pormal nang idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan ang Bureau of Jail Management and Penology Dagupan City Jail Female Dormitory bilang isang lugar na malaya sa droga.
Ito ay dahil sa isinagawang assessment ng PDEA Pangasinan sa lugar kung saan dito isinailalim ang mga kawani ng naturang dormitoryo o ang mga miyembro ng Preventive Education and Community Involvement (PECI) Team sa oryentasyong Drug-Free Workplace Program Orientation PDEA Pangasinan.
kung saan ibinahagi sa mga kawani ang importanteng probisyong nasa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 o ang usaping napapatungkol sa droga.

Isa rin sa natalakay ang ukol sa magiging epekto ng ipinagbabawal na gamot sakaling ang isang tao ay gumamit nito kung saan isa ito sa magiging basehan ng PDEA para ideklara ang isang lugar na pinagtatrabahuhan bilang isang Drug-Free Workplace Program. |ifmnews
Facebook Comments