DAGUPAN CITY, KABILANG SA MGA ‘MOST CHILD-FRIENDLY’ NA LUNGSOD SA BANSA

Kinilala ang Dagupan City bilang finalist sa 2025 Presidential Award for Child-Friendly Cities sa kategoryang Independent Component City, bilang pagkilala sa pagpapaunlad ng komunidad na ligtas at angkop para sa mga bata.

Ginawa ang awarding ceremony kahapon, Disyembre 22, sa Philippine International Convention Center, Pasay City.

Tumanggap ang lungsod ng plake bilang patunay ng kanilang patuloy na pagsusumikap sa Child-Friendly Local Governance.

Ayon sa alkalde, ang pagkilalang ito ay nagpapatibay sa pangako ng lungsod na ipagtanggol ang karapatan ng mga bata at bumuo ng komunidad na ligtas at maaalaga para sa kanilang paglaki.

Kasama sa mga programang pangkabataan ng lungsod ang Goodbye Gutom Feeding Program, Unaen Su Mairap Bilay (UMB), Alagang Healthy Dagupeño Medical Missions, Junior Health Advocate, at taunang Children’s Summit.

Facebook Comments