Kinilala ang Dagupan City bilang kabilang sa mga pumasa sa 2025 Seal of Child-Friendly Local Governance matapos makakuha ng positibong resulta sa isinagawang Child-Friendly Local Governance Audit para sa Performance Year 2024.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) Pangasinan, kabilang ang Dagupan sa 37 Local Government Units sa lalawigan na nakapasa sa komprehensibong pagsusuri na sumusukat sa kakayahan ng mga LGU na tiyakin ang kaligtasan, kapakanan, karapatan at kabuuang pag-unlad ng mga bata.
Patuloy namang pinatitibay sa Dagupan ang mga programang nakatuon sa proteksyon, nutrisyon, kalusugan, edukasyon at ligtas na komunidad, kabilang ang Good Touch Bad Touch campaign, pinalakas na immunization, pinalawak na libreng serbisyong medikal, feeding programs, mas matatag na learning environments, at disaster-ready schools.
Binigyang-diin ng alkalde ang dedikasyon ng lungsod sa kapakanan ng kabataan, at sinabing prayoridad ang mga batang Dagupeño sa mga programang isinusulong ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






