DAGUPAN CITY MAGPAPATUPAD NG LOCALIZED CLASS SUSPENSION; ALKALDE, MAY PAKIUSAP SA MGA GURO

Magpapatupad ng localized suspension of classes ngayong Setyembre 29 ang Pamahalaang Lungsod ng Dagupan dahil sa patuloy na pagbaha sa ilang mabababang bahagi ng siyudad.

Layunin ng hakbang na tiyakin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at guro habang nagpapatuloy ang monitoring at clearing operations. Matatandaang nasa ilalim pa rin ng State of Calamity ang lungsod bunsod ng pinsalang iniwan ni Bagyong Nando.

Paliwanag ng LGU, ang localized suspension ay tumutukoy sa pansamantalang pagtigil ng klase sa mga piling paaralan o barangay na direktang apektado ng kalamidad. Hindi lahat ng paaralan sa lungsod ay sakop nito, tanging mga lugar na apektado lamang ang kabilang.

Sa ilalim ng setup na ito, ang mga punong-guro o school heads ang may kapangyarihang magdesisyon kung kinakailangang ipagpatuloy ang suspensyon, lalo na kung ang paaralan ay nananatiling apektado ng baha o ginagamit bilang evacuation center.

Kaugnay nito, nanawagan si Mayor Belen Fernandez sa mga guro na magbigay ng konsiderasyon sa mga estudyanteng apektado pa rin ng baha, upang hindi na madagdagan ang kanilang dinaranas na hirap. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments