DAGUPAN CITY, MAS PINALALAKAS ANG KAHANDAAN LABAN SA POSIBLENG BANTA NG THE BIG ONE; 216 BUILDINGS, NATUKOY NA PRIVATELY HOSTED EVACUATION CENTERS

Puspusan ang ibinababang mga paghahanda sa Dagupan City laban sa posibleng banta ng The Big One at sa anumang uri ng sakuna.

 

Nagpapatuloy ang information dissemination, mga pagsasanay at iba pang inilulunsad na mga aktibidad upang mapalakas ang nararapat na paghahanda ng bawat Dagupeños.

 

Alinsunod dito, naganap ang Handa Na, Takbo Na na may layong maitaguyod ang Disaster Awareness na nilahukan ng daan-daang mga Dagupeños at Pangasinenses.

 

Ibinahagi ng iba’t-ibang mga law enforcement agencies ang kaalaman sa oras ng sakuna, at mga kailangang gawin upang maiwasang malagay sa mas mapanganib na sitwasyon.

 

Binigyang-diin din sa mensahe ng alkalde ang kahalagahan ng kagamitan ng lungsod upang agarang maalerto ang mga residente sakaling may sakuna tulad ng intensity meter at tsunami warning system na nakainstall sa iba’t-ibang bahagi sa lungsod.

 

Sa kasalukuyan, nasa kabuuang 216 buildings na rin ang natukoy na mga Privately Hosted Evacuation Centers (PHEC) na maaaring takbuhan o pagpapalagian ng mga mamamayan pansamantala.

 

Iginiit ang kahandaan ng publiko sa kahit anumang oras ng kalamidad o sakuna. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments