Bagong taon, bagong permit.
Nagsimula na naman ang mga negosyo at negosyante na maglakad ng kani-kanilang mga permit para sa panibagong taon.
Dahil dito, nanawagan si Dagupan City Mayor Belen Fernandez sa mga maglalakad na asikasuhin ang kanilang mga requirements upang mabilis silang mabigyan ng permit.
Samantala, tiniyak pa ni Fernandez na walang korapsyon sa mga iiisyung permit sa kabila ng mas maluwag na proseso.
Dagdag pa ni Fernandez, mas strikto raw sila ngayon kaya naman kung ano raw ang nakasaad sa permit sana ay yun lamang umano ang kanilang negosyo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








