DAGUPAN CITY, MULING NAGHIGPIT SA PAGPAPATUPAD NG HEALTH PROTOCOLS

MULING naghigpit ang lokal na pamahalaan ng Dagupan City sa pagpapatupad ng health protocols para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Sa inilabas na Executive Order No. 26 s.2021 ng lungsod, epektibo noong gabi ng Biyernes ang mas pinaagang curfew mula 9: 00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga.

Ang mga edad 18 pababa at 65 pataas, immunocompromised at health risk ay hindi maaaring lumabas.


Lahat naman ng indibidwal na pupunta sa lahat palengke ng lungsod ay kailangan magsuot ng face mask at naka face shield na siyang panangga sa virus.

Suspendido rin pansamantala ang pagsasagawa ng Bike and Run Day tuwing linggo sa De Venecia Ext.

Matatandaan na inilagay sa Alert Level 4 ang lungsod ng DOH dahil sa tumataas bed utilization rate nito kahit pa walang delta variant dito.

Sa huling tala nasa 229 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod na mayroong kabuuang 2, 246 na kaso.

Pinakamaraming aktibong kaso ang naitala sa barangay Pantal , Mayombo at Bonuan Gueset.

Facebook Comments