Nakaalerto na ang lungsod ng Dagupan sa pangunguna ng alkalde kaugnay sa parating na Bagyong Betty at paghahandan bunsod ng epekto nito.
Inaasahan ang pagdating nito Biyernes ng gabi o Sabado ng madaling araw.
Alinsunod dito, nakaantabay na ang ahensya ng CDRRMC kasama ang iba’t ibang ahensya para sa Pre Disaster Risk Assessment at inilahad ang paghahandang kinakailangang gampanan.
Nakahanda na rin ang lahat ng iba’t-bang hanay ng lokal na gobyerno ng Dagupan na kasama sa disaster risk reduction and management.
Ayon naman sa hanay ng CDRRRMO, Inaasahang mararamdaman ang epekto ng bagyo sa Dagupan City pagsapit ng araw ng Linggo.
Pinapayuhan ang lahat ng residente na maging handa sa mga maaaring maging epekto ng bagyo. |ifmnews
Facebook Comments