AABOT na sa mahigit 30, 000 bakuna ang naiturok ng lokal na pamahalaan sa priority eligible group nito kaugnay pa rin sa COVID-19 Vaccination.
Sa datos na inilabas ng lokal na pamahalaan nasa kabuuang 32, 089 na na COVID-19 Vaccine na ang kanilang naiturok.
21, 795 ang nakatanggap ng kanilang unang dose ng bakuna at 10, 294 para sa ikalawang dose.
Nasa 4, 057 naman frontliners o A1 ang fully vaccinated, 3, 205 sa Senior Citizens at 3,032 sa A3 group o indibidwal na mayroong comorbidities.
Ilang pribadong kompanya na rin sa lungsod ang tumanggap ng unang dose ng kanilang bakuna na privately procured at ipinagkatiwala government dahil sa maayos na vaccination program.
Matatandaan din na dumating sa lungsod ang isang libong karagdagang Sputnik V Vaccine na mula sa DOH-CHD1 Facility.