DAGUPAN CITY, NAKATAKDANG ISAILALIM SA STATE OF CALAMITY

Nakatakdang magpulong ang lokal na gobyerno ng Dagupan City sa planong pagdedeklara ng State of Calamity sa lungsod, bunsod pa rin ng nararanasang malawakang epekto ng nagdaang bagyo at ang umiiral na Habagat sa bansa.

Sa anunsyo ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez, agarang hiniling sa Sangguniang Panlungsod ang pagkakaroon ng special session ngayong araw, July 23, 2025 upang isailalim sa State of Calamity ang lungsod.

Hanggang sa kasalukuyan, lubog sa pagbaha ang ilang mga barangay, maging mga kakalsadahan, at isa sa dahilan nito ay ang pag-abot sa critical level ng Sinucalan River sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Dahilan na catch basin ang lungsod, ang mga nanggagaling mula sa upstreams ay bumabagsak sa Sinucalan at dumadaan sa Pantal River, Dagupan City bago ito tuluyang mag-exit sa Lingayen Gulf.

Nakakaapekto rin sa pagtaas pa ng lebel ng tubig ay ang high tide.

Samantala, patuloy ang monitoring ng lokal na pamahalaan sa sitwasyon sa mga barangay at inabisuhan ang mga apektadong residente sa pre-emptive evacuation. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments