DAGUPAN CITY, NAKIISA SA PAGGUNITA SA RIZAL DAY

Nakiisa ang Dagupan City sa paggunita ng Rizal Day sa pamamagitan ng isang wreath-laying ceremony na isinagawa sa bantayog ni Dr. Jose Rizal sa City Plaza.

Layunin ng aktibidad na bigyang-pugay ang kabayanihan, talino, at sakripisyong inialay ng pambansang bayani para sa kalayaan at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Sa mensahe ng Pamahalaang Panlungsod sa mga lumahok, binigyang-diin ang kahalagahan ng patuloy na pagsasabuhay ng mga prinsipyo at pagpapahalagang ipinaglaban ni Rizal, lalo na sa pagiging responsableng mamamayan.

Ipinahayag din na magsilbing paalala ang paggunita ng Rizal Day sa pagsunod sa mga alituntunin ng batas, kabilang ang pag-iwas sa paggamit ng ilegal na paputok bilang bahagi ng ligtas at disiplinadong pagdiriwang.

Dumalo sa seremonya ang mga kinatawan ng lokal na pamahalaan, Bureau of Fire Protection, Dagupan City Police Office, Department of Education, at iba’t ibang civic at youth organizations.

Facebook Comments