Suportado ni Mayor Belen Fernandez ang panukalang Classroom Building Acceleration Program (CAP) Act ni Sen. Bam Aquino na layong pabilisin ang pagtatayo ng ligtas at modernong mga silid-aralan sa buong bansa.
Sang-ayon ang pamahalaang panglungsod sa iba pang naisabatas nang programa sa edukasyon tulad ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act, na nagbigay ng libreng edukasyon sa kolehiyo sa milyun-milyong Pilipino.
Bilang isa sa mga lugar na benepisyaryo ng naturang inisyatiba sa edukasyon at kalusugan, lubos ang pasasalamat sa pagturing ng Palasyo bilang urgent ang panukala para sa mas mabilis na pagpapatayo ng mga silid-aralan at mas maayos na pasilidad ng pagkatuto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments








