Nanguna ang Dagupan City sa siyam na lungsod sa Region 1 sa Overall Competitiveness Ranking ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa taong 2021.
Ayon ito sa Cities and Municipalities Competitive Index (CMCI) ng DTI, kung saan sinusukat ang pagiging produktibo ng local government unit (LGU) para mapaangat ang buhay ng kanyang nasasakupan.
Isinasaalang-alang ng CMCI ang apat na salik o pillars: Economic Dynamism (sigla ng ekonomiya), Government Efficiency (kahusayan ng serbisyo ng gobyerno), Infrastructure (imprastraktura), at Resiliency (kapasidad sa pagbangon).
Sa lahat ng siyudad sa buong bansa, pang-apat ang Dagupan City pagdating sa Government Efficiency. | ifmnews
Facebook Comments