DAGUPAN CITY, NANGUNA SA VACCINE ROLLOUT SA REGION 1

PUMALO na sa 71% o 183, 431 ng target population ng Dagupan City ang fully vaccinated, base sa huling datos ng Ilocos Center for Health Development 1.
Dahil dito, Pinarangalan ang Lungsod ng Dagupan matapos makamit ang pinakamataas na bilang ng nabakunahan sa buong Region 1 simula March hanggang December 2021. Nasa 93% ng target population naman ang ang nabigyan ng first dose.
Iginawad ng DOH Center for Health Development 1 ang parangal para sa “Highest Administered Doses” sa ginanap na Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team Visit.

Umani rin ang Dagupan City ng parangal para sa mga sumusunod para sa Provincial and Highly Urbanized Cities (HUC) Level:
RANK 1 – Highest Administered Dose from March 2021 – March 9, 2022 RANK 1 – Highest Administered Dose during Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Days Part III on Feb. 10-18, 2022 RANK 3 – 2nd Dose Coverage
Tinanggap ni OIC City Health Officer Dr. Dalvie Casilang ang mga parangal mula kanila Presidential Adviser for COVID-19 Response Sec. Vince Dizon, DOH-CHD 1 Regional Director Paula Paz Sydiongco, Office of Civil Defense-1 (OCD-1) Region Director Eugene Cabrera, at Provincial Health Officer Dr. Anna Maria Teresa De Guzman.
Mahalaga ang mataas na vaccination rate para sa mas mabilis na pag-usad ng Lungsod patungo sa new normal kung saan inaasahan ang pagbabalik sigla ng ekonomiya. Pinag-uusapan na rin ang pagdiriwang ng Bangus Festival at pagdaraos ng face-to-face classes. | ifmnews
Facebook Comments