DAGUPAN CITY, NAPABILANG SA WORLD’S LARGEST URBAN ECONOMIES

Pasok ang Dagupan City bilang isa sa 2025 Global Cities Index World’s Largest Urban Economies.
Pang pito ang ranggo ng naturang lungsod sa siyam na siyudad sa bansa na kinabibilangan ng Manila, Cebu, Angeles, Bacolod, Davao, Cagayan de Oro, General Santos at Zamboanga.
Malaking bahagi ito bilang pagkilala sa lungsod na isa sa lalo pang lumalakas na ekonomiya, mga itinatayong imprastraktura, maging pagdating sa mga trabaho at pangkabuhayan ng bawat Dagupeño.
Malaking karangalan rin umano ito sa lokal na pamahalaan ng lungsod bilang patunay na nai-ha-hatid ang mga proyekto at programa upang mapatatag at mapalakas ang ekonomiya ng lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments